Una sa Balita

US 5 isinalba ni Thompson

0 117

RIO DE JANEIRO (AFP) — Naipagpag na ni NBA marksman Klay Thompson ang kalawang, nang magtala ng 30 points at tulungan ang Team USA na malusutan ang hamon ng Par­ker-less France, pero sa isa na namang dikit na panalo, 100-97, sa men’s basketball ng Rio Olympics.

Bunga nito, ang two-time defending gold medalist ay undefeated sa limang laro, pero maghihintay pa ng kanilang quarterfinal opponent hanggang Lunes.

Tinalo naman ng Australia ang Venezuela, 81-56, para tumapos na pangalawa sa Group A (4-1), at nakaiwas na makalaban ang US 5 sa medal-round brackets.

Matapos ang magkasunod na ‘close wins’ kontra Australia at Serbia, muling naranasan ng Americans ang dumaan sa butas ng karayom sa kabila na hindi sumalang si Tony Parker para sa France.

Mula sa 55-46 half­time deficit, nakakita ng paraan ang France para pasukin ang depensa ng US.

Related Posts

“I think we just let up a little bit (defensively) and you can’t let up in this kind of tournament,” lahad ni Thompson.

Isa sa top shooters ng NBA, si Thompson ay may 15% shooting lang bago ang laro noong Linggo.

Nagbaon ang Gol­den State Warriors guard ng limang three-poin­ters sa third period para sa 16-point lead ng Team USA.

“I don’t care if I shoot 10 percent the rest of the tournament. If we get the gold medal, that’s all that really matters,” katuwiran ni Klay, tumapos na may 9-for-16.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy