Una sa Balita

Urong-sulong na tatawid nadale ng bus

0 454

NASAWI ang isang obrero na tinangkang tumawid sa kalsada pero nag-alanganin kaya bumalik at nahagip ng isang paparating na tourist bus sa Carmona, Cavite kamakalawa.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Roberto Nablo at stay-in na construction boy sa G-Sat sa Gov’s Drive Brgy. Bancal Carmona, Cavite habang hawak ng pulisya ang driver ng bus na may plakang NAD 4603 na si Ryan Simon, 36, may asawa, ng San Juan Coastal, Parañaque City.

Sa ulat ni PSSgt. Richie Ines ng Carmona Municipal Police Station, ayon umano sa ilang saksi, tatawid sana ang biktima sa kalsada sa kahaban ng Gov. Drive sakop ng Brgy. Bancal, Carmona, Cavite dakong alas-8:30 nang gabi pero napansin umano nito ang papara­ting na sasakyan kaya nag-alangan na tumawid at buma­lik ito subalit naabutan na siya ng tourist bus.

Namatay noon din ang biktima habang ang driver ng bus ay tinangka umanong tumakas pero sumuko rin sa pulisya.

Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa Cardona Funeral Homes para sa awtopsiya at safekee­ping. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy