Una sa Balita

Urban land reform, solusyon sa pagsisikip sa lungsod

0 381

Maraming nega­tibong epekto ang pagsikip ng ating mga lungsod.

Naniniwala ako na sa pamamagitan ng malalim na pagplaplano at urban land reform, mabibigyan natin ng solusyon ang lumala­lang krisis na ito.

Bilang chairman ng housing committee sa Kongreso, malaki po ang panananampalataya ko na magiging epektibong programa ito para matulungan ang mga kababa­yan natin na walang sari­ling bahay.

Napapansin niyo ba na sa tuwing magkakaroon ng mg espesyal na okasyon tulad ng mga pagbisita ng mga lider ng iba’t ibang bansa ay saka lamang napagtutuunan ng pansin ang panga­ngailangan ng mga pamil­yang walang tirahan?

Bakit ganito? Kaila­ngan pa bang sumapit ang mga katulad nitong okasyon para mapokusan ang problema ng mga kababayan natin gayung matagal na silang nakasadlak sa kalagayang ito?

Maraming pamilyang walang tirahan ang na­tutulog sa gilid ng Roxa­s Blvd. pagsapit nang gabi. Wala silang mga bahay, dahil wala silang trabaho. Ang tanong, gobyerno lang ba ang dapat na pumasan sa problemang ito? Hindi ba dapat ay maging responsibilidad din ito ng mga lokal na pamahalaan?

Ang itinuturong dahilan dito ay ang kahirapan na paulit-ulit na lang na tinutukoy sa mga opinion survey bilang panguna­hing suliranin sa Pilipinas.

Pero ano nga ba ang mga maaari muna na­ting gawin para maiparamdam sa mga kababayan natin na kasama sila sa pag-a­ngat ng ekonomiya ng bansa?
Siyempre, ramdam nila agad na may pagbabago sa kanilang buhay pag nagkaroon na sila ng sarili nilang bahay. Isang disente pero abot-kayang pabahay mula sa gobyerno.

Kaya nga po hinihikayat ko ang mga kasama natin sa Kongreso na i-check kung naipa­tupad ba ng tama ang tatlong proclamations sa urban land reform sa housing programs ng pamahalaan.

Nag-file po ako ng House Resolution 2067 kung saan ay hinihiling ko sa mga kasama natin sa Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso na magsagawa ng imbestigasyon sa implementas­yon ng Proclamations Nos. 96, 518 at 825.

Maraming benepis­yaryo ang matagal na sanang nagtatamasa ng sarili nilang bahay pero hanggang ngayon ay nganga pa rin sila dahil hindi naipatutupad ng maayos ang mga proklamasyon na ito. 

Isipin na lang ninyo kung ilang libong pamil­ya ang malilipat sa mga permanente na nilang bahay? Hindi ba at magi­ging malaking kaluwagan ito sa ating mga lungsod? Hindi ba at magiging positibo ang resulta nito sa problema natin sa masikip na daloy ng trapiko?

Isip-isip naman po tayo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy