Una sa Balita

@Ur Service!: “Mema lang” si Sen. Zubiri

By
0 105

Tumaas ang kilay ng maraming netizens sa paghahamon ni Sen. Juan Miguel Zubiri sa mga kontra sa Martial Law na pumunta ng Marawi City at tingnan ang sitwasyon doon.

May pumabor, pero mas marami ang nagalit.

Ang sabi ni Sen. Migz, sasagutin n’ya ang plane ticket ng mga gustong pumunta ng Marawi para makumbinsi na kailangan talaga ng Martial Law. 

Banat ng senador, “Ang hamon ko nga sa kanila, itong mga hindi sumasang-ayon at sumi­sigaw po sa telebisyon na pumunta po sa Marawi.

Kung gusto nilang pumunta ng Marawi bibigyan ko sila ng tiket, pamasahe. Bibigyan ko sila ng sasakyan para pumunta sa Marawi at kausapin yung Maute group, kung gusto nilang kausapin yung Maute group…”

Parang promo sa Tra­vel & Tour ang peg ni Sen. Migz,  one-way ticket free! Ayos! May sense ang mga banat ni Mr. Senator… tsk.tsk… “Sayang si Idol”, banat ng ilang komento ng netizens.

***

Nanggigil ang marami sa ayos sa aprub na promo ni Sen. Migz.

Buwelta ng netizens, bakit daw ang mga kontra sa Martial Law ang papupuntahin sa Marawi, gayong ayaw nga nila sa ML?

Mas aprub pa raw sana kung ang mga katulad nina Sen. Migz at mga pabor sa ML ang papuntahin sa Marawi, dahil sila naman ang may gusto ng batas militar!? Hehe…Oo nga naman!

Sa halip daw na manlibre ng pamasahe si Sen. Migz, itulong na lang sa mga sibilyan na biktima ng giyera sa Marawi.

Sa halip daw na haluan ng ‘pilosopo’ ang problema sa Marawi, mainam na gumawa ng hakbang ang senador para tulungan ang mga nawalan ng bahay at kabuhayan dahil sa giyera.

Wapak! Tumpak… Parang binanatan ng left and right combination si Sen. Migz!

***

In fairness kay Sen. Migz, gusto n’yang ipunto na mabuti raw at may Martial Law sa buong Mindanao dahil tahimik ngayon doon at mababa ang kriminalidad.

Nyehh… tahimik pa pala kay Sen. Migz ang bakbakan ng militar at Maute group!?? Anyare Mr. Senator??

Ang sabi ni Sen. Migz kailangang pahabain pa ang Martial Law sa Mindanao. 

Parang It’s More Fun under Martial Law ang promotion ni Mr. Senator!

Aguyyy… tuwang-tuwa si Sen. Migz sa ML, kaya Martial Law pa more ang peg n’ya!!!

***

May sense o wala ang ‘free ticket to Marawi’ na alok ni Sen. Migz sa mga kontra sa ML, tila nawawala sa realidad ang banat ng Mindanaoan senator.

Ang sabi n’ya, okay ang ML para mapatahimik ang Mindanao. 
Okay daw i-extend ang ML para mapatahimik ang Marawi.

***

Bilang isang mambabatas, hindi ko nakikita kay Sen. Migz ang mas intelehenteng pananaw n’ya sa usapin ng batas militar.

Wala siyang tumpak na solusyon para matulungan ang mga kapwa taga-Mindanao. 

Ang hamon ng netizens kay Sen. Migz, umasta itong senador ng Republika ng Pilipinas at gumawa ng kapaki-pakinabang na batas — hindi umasta bilang tagasalag ng administrasyon.

Korek!!

Mga ka-netizen, hihiram tayo ng pamosong linya ni Mocha Uson – siguro ‘mema lang’ si Sen. Migz – as in, me-masabi lang!!! Adios!

***

Email: jmt_ur.service@yahoo.com 
// Facebook: JunMarcosTadios 
// Twitter: @jmt_twit 
// 09186617601 // 09152217601

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy