Una sa Balita

@Ur Service!: Mahaba-habang sibakan sa PNP PRO4-A

By
0 225

Nangangagat na ang seryosong utos ni PNP chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa lahat ng regional police directors na lansagin ang lahat ng uri ng ilegal na sugal sa buong bansa  ito ay bilang pagpapakita ng ‘AMOR PROPIO’ ng PNP sa puna ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) na natutulog sila sa pansitan.

Tapos na ang panga­kong 15-days na ultimatum ni PNP chief sa PCSO para wakasan ang jueteng, bookies ng small-town lottery (STL) at iba pang uri ng sugal.

Pero huli man daw at magaling, naihahabol din.

Apat na hepe ng PNP Police Regional Office 4-A (PRO4-A) o CALABARZON ang nasampolan at sinibak sa pwesto para ipakita ang pangil ng ‘war on gambling’.

Klap klap klap! kay Regional Dir. Chief Supt. Mao Aplasca. Good job sir!

At the very least… may masasabing ‘casual­ty’ sa war on gambling ni Bato. And for the benefit of the doubt, hindi na mapag-iisipang moro-moro lang at pakitang-tao lang ang PNP sa PCSO. Aprub!

***

Ikatlo ang illegal gambling sa mga pangako ni Pangulong Digong na wawasakin sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Una, ang illegal drugs at ikalawa ang corruption.

Simula’t sapul, marami na ang nagduda sa 15-days ultimatum ni Bato sa mga regional directors para tuldukan ang jueteng.

Ang sugal na jueteng ay daan-taon nang namamayani sa bansa. Ito ay isang salinlahing kanser na nanunuot sa mga mahihirap na komunidad.

Sa isang mahirap na pamilya, sa halip na ibili ng isang kilong bigas o isang lata ng sardinas – natutukso pang itaya sa jueteng. Ang mga isang kahig, isang tuka – lalong nalulubog sa kumunoy ng kahirapan.

Kumbaga sa isang mantsa, ang jueteng ay nanuot at nanigas na at mahirap nang kalusin sa isang labada lang. Hindi ito kasing dali ng 15-days na ultimatum ni Bato sa mga regional directors.

***

Sa Region 4-A kung saan namamayagpag ang iba’t ibang uri ng sugal  nariyan ang jueteng, bookies, masiao, sakla, tupada, illegal na peryahan at iba pa.  siguradong masusubok talaga ang ‘balls’ ni Gen. Mao Aplasca sa hamon ni Bato.

Sinibak ni RD Aplasca ang mga chief of police na sina San Pedro City COP Supt. Zeric Soriano; Lipa City COP Supt. Barde; Sto. ­Tomas, Batangas COP Supt. Giovanni Zibalo; at San Pablo City COP Supt. Ronan Claraval.

Nag-iwan ng babala si Aplasca sa iba pang chief of police, hindi raw s’ya mangingiming sibakin ang mga pulis na nagpapasarap sa ‘jueteng payola’ at mga tuma­tanggap ng intelehensya sa peryahan, bookies at iba pang uri ng sugal.

Salute to RD Aplasca, good job sir!

Four men down, way to go… Mahaba-habang sibakan pa ang mangyayari sa CALABARZON.

***

On that note RD Aplasca, may bulong ang mga urotero nating netizens…

Talamak pa rin daw ang jueteng, tupada, co­lor games, sakla at STL bookies diyan sa ­Ba­tangas City; San Pedro, Laguna at sa Cavite City.

Nagpipiyesta rin daw po ang mga ‘hari’ at ‘reyna’ ng carnival na ginagawa ng mainstay ang color games, drop ball at iba pang pasugalan sa mga amusement park diyan sa San Pedro Pacita; Brgy. Timbao at Platero sa Biñan; Brgy. Pulo, Marinig, Katapatan at Banlig sa Cabuyao, Laguna.

Jueteng, sakla at tupada naman daw po ang libangan ng mga manungugal diyan sa Brgy. Greengate at Tanza sa Cavite City.

May mala­king pasugalan din daw po riyan sa Imus Cavite na nasa lokasyon ng Brgy. Patubig at Gen. Mariano Alvarez (GMA).

With you indulgence sir, RD Aplasca, keep up the good job! Sibakin mo na rin ang mga chief of police sa mga lugar na ito. Salute! Adios!

***

Email: jmt_ur.service@yahoo.com Facebook: JunMarcosTadios // Twitter: @jmt_twit

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy