Una sa Balita

Upang matakaw sa pag-aaral,

iskul ginawang fast food chain sa Samar

0 851

Sa isang barangay sa Calbayog City, Samar, may pakulo ang mga titser upang maengganyo ang kanilang mga estudyante na pumasok.

Pininturahan nila ang lahat ng school building ng Cagmanipis Norte Elementary School at nilagyan ng di­senyo upang magkaroon ng positibong learning environment sa eskuwelahan.

Imbes na simpleng pintura lang, iginuhit sa bawat dingding ng eskuwelahan ang mga sikat na fast food chain sa bansa tulad ng Jollibee, McDonald’s at Chowking.

Ito ay bilang paghahanda na rin sa nalalapit na pagbubukas ng school year 2018-2019.

Pero ngayon pa lang, bumenta na sa ilang estudyante ang bagong mukha ng kanilang eskuwelahan.

Hindi man ito ang totoong fast food restaurant, mabubusog naman ang kanilang paningin sa magandang tanawin ng kanilang iskul.

Patok din sa mga netizen ang Facebook post ni Den Den Soy sa nasabing eskuwelahan, marami ang pumuri sa ginawang hakbang para maengganyo ang mga mag-aaral na pumasok sa nasabing iskul.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More