Una sa Balita

Upakang Gilas-Indonesia pinakakansela

0 296

HINDI pa man opisyal na naipapakilala ang 15 manlalaro na bubuo sa Gilas Pilipinas nina pro­ject director Tab Baldwin at interim coach Mark Dickel, agad na puro kanselasyon ng mga laro ang kinaharap ng pambansang koponan bago pa man magsimu­la ang unang window ng FIBA Asia Cup 2021 Qualifier.

Ito ay dahil ang nakatakdang upakan ng Gilas Pilipinas at Indonesia sa Pebrero 23 ay nanganganib na makansela rin dahil sa inilabas na direktiba ng Indonesia Ministry of Youth and Sports.

Una nang kinansela ng FIBA ang nakatakdang unang laban ng Gilas Pilipinas sa home court ngayong Pebrero 20 kontra Thailand dahil sa paglaganap ng Novel Coronavirus.

Iniulat ng pahayagan sa Indonesia sa website nito na kompas.com na iniutos ng Indonesia Ministry of Youth and Sports sa namamahala sa sports na basketball sa bansa na Perabasi, ang Indonesia basketball fe­deration, na kanselahin ang pagho-host ng bansa sa Fiba Asia Cup 2021 qualifiers first window kontra sa Pilipinas.

Nakatakda sana isa­gawa ang laban sa Britama Arena sa Jakarta. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More