Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

UP student markado sa `flat uno’

0 14

Hinangaan ng netizens ang ‘Flat One’ na grado ni Sachika Azumi Saguisa, ang 1st year chemical engineering student ng University of the Philippines (UP) Diliman sa kanyang unang akademikong taon matapos i-post sa Facebook ng organisasyong Gabay Isko.

Sa grado sa kolehiyo, ang flat 1.0 o Uno ang pinakamataas habang ang 3.0 ang passing mark, 4.0 kung ‘conditional’ at bagsak naman pag nakakuha ng singko.

Sa isang panayam sa 19-anyos na si Saguisa, taga- Surigao City, sinabi niya na sa kabila ng malaking hamon at pressure sa internet connection at mental health ay labis ang kanyang kasiyahan sa reaksyon at komento sa social media.

“Nakakapanibago po ang setup. I don’t think I can properly represent everyone po, pero manageable naman yung first year ko. I am one of the privileged students na kayang mag-aral online and I am grateful for that,” kwento ni Saguisa.

Nabatid na nakapasok din sa Top 10 si Saguisa nang magtapos ng elementarya sa Surigao Education Center – Montessori, at may highest honors na grumadweyt sa Caraga Regional Science High School.

Aniya’y huhusayan pa niya ang pag-aaral upang magsilbing inspirasyon sa mga kapwa niya mag-aaral.
Sa kasalukuyan ay mahigit 111K reactions habang aabot na sa 42K shares ang ‘flat one’ post na grado ni Saguisa. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.