Una sa Balita

UP Prof, staff ng cong todas sa COVID

0 521

Isang professor ng University of the Philippines-Diliman ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus disease.

Sa official Facebook page ng UP Diliman, inanunsyo dito ang pagpanaw ni Dr. Aileen S.P. Baviera sa San Lazaro Hospital dahil sa severe pneumonia dulot ng COVID-19. Si Baviera ay sinologist at dating dean ng UP Asian Center.

“Ikinalulungkot naming ipaalam sa inyo na si Dr. Aileen S.P. Baviera, propesor at dating dekana ng UP Asian Center at isa sa mga nangungunang sinolohista(dalubhasa sa Araling Tsino) sa bansa, ay pumanaw ngayong araw, Marso 21, 2020, 3:55 n.u., sa San Lazaro Hospital dahil sa malubhang pneumonia sanhi ng COVID-19,” ayon sa announcement.

Kinumpirma naman ng Kamara na isang staff ng kongresista ang namatay sa coronavirus kahapon.

Ang empleyado ay nagtatrabaho bilang chief of staff ng kongresista mula sa Bicol region.

Sa ulat ng Department of Health, pumalo na sa 307 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdag sa listahan ang 77 kaso kahapon.

Umakyat na sa 19 ang namatay sa COVID-19 sa bansa at 5 naman ang panibagong nakarekober kaya pumalo na sa 13 ang gumaling.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More