Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

UP prof nakatuklas ng bagong puno

0 204

Nakadiskubre ng isang bagong species ng puno na tinawag na Tristaniopsis mula sa pamilya ng Myrtaceae (makopa, bayabas, at eucalyptus) ang isang UP Los Baños Professor at kasamahan niyang doktor mula sa Australian Institute of Botanical Science.

Nabatid kina Professor Edwino S. Fernando at Dr. Peter G. Wilson na ang Tristaniopsis flexuosa ay isang maliit na puno na lumalaki lamang nang hanggang 3 metro at matatagpuan lang sa Pilipinas, partikular na sa Mount Redondo, Dinagat Islands.

Ang nasabing puno ay may maliliit na dahon na may smooth grey bark, na nagpapakita ng kulay pula at brown na underbark.
Tinawag itong ‘flexuosa’ dahil sa taglay nitong mga baluktot na sanga.

Hindi rin ito nagpapakita ng malinaw na pagkakaugnay sa iba pang Philippine species ng nasabing genus, pero may pagkakahawig sa Tristaniopsis elliptica, isang species mula Borneo.

Nabatid na si Fernan­do ay isang Professor Emeritus sa Department of Forest Biological Sciences at curator ng palms at iba pang forest plant sa UPLB Museum of Natural History (MNH).

Ang lahat ng specimen ng bagong species ng halaman at puno ay idinideposito sa MNH Forestry Herbarium and Wood Collection.

Nalaman na nailathala sa Journal of Plant Systematics noong Oktubre 29, 2021 ang nadiskubreng puno nina Fernando at Wilson. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.