Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

UP, PGH binakbakan mga kontra virus bakuna

0 198

Pinayuhan ng University of the Philippines-Manila College of Medicine (UPCM) at ng Philippine General Hospital (PGH) ang publiko na magtiwala sa gobyerno sa pagtugon sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Tiniyak rin ng UP-PGH na ligtas lahat ng bakuna kontra COVID na ginagamit sa bansa.

“As a community of scholars, we appeal to the public to trust the official statements from Department of Health (DOH), the Food and Drug Administration, the World Health Organization, Centers for Disease Control and Prevention, and professional specialty of physician organizations like the Philippine Medical Association,” ayon sa joint statement ng UPCM at PGH.

Nagbabala rin ang UPCM at PGH sa publiko kaugnay sa mga pahayag mula sa mga indibiduwal, doktor at retired faculty laban sa mga COVID vaccine na hindi umano bahagi ng opisyal na posisyon nila. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.