Una sa Balita

UP Diliman wagi sa Space Mission Idea Contest sa Japan

0 166

Nakamit ng UP Diliman Electrical and Electronics Engineering Institute, ang unang puwesto sa 2019 Space Mission Idea Contest (MIC6) sa 7th University Space Engineering Consortium-Global (UNISEC-Global) Meeting sa Japan.

Ito ang kauna-unahang paglahok ng mga researcher mula sa UP Diliman at DOST-Advanced Science and Technology Institute (DOST-ASTI) team bilang Philippine Team sa 6th edition ng global scienc­e competition na gina­nap noong Disyembre 2019.

Ang Team Philippines ang nakakuha ng top prize sa IVA-replaceable Small Exposed Experiment Platform (iSEEP) ca­tegory para sa kanilang entry na “Spectrum Monitoring from Space with i-SEEP (SMoSiS)”.

Layunin ng SMoSiS na makakuha ng measurements data ng RF spectrum occupancy ng mundo para malaman kung meron telecommunication at broadcast services.

Gayundin, ang anomal­ya, disruption at recovery ng wireless technology sa pana­hon ng kalamidad gaya ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ang space Mission Idea Contest (MIC) ay para sa mga tao na intresado sa field of space research para maipakilala ang kanilang sa International Space Station (ISS) platform. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More