Una sa Balita

UP community kinabahan sa pagbagsak ni Akhuetie

By
0 460

KINABAHAN ang University of the Phi­lippines community nang makita nilang nami­milipit sa sakit ng tuhod habang nakalupasay sa sahig ang pambato nilang si Bright Akhuetie.

Ito’y matapos na maitulak ni Ateneo center Angelo Kouame sa third quarter sa Game 1 ng kanilang best of three finals ng 81st UAAP basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kung saan nagwagi ang Blue Eagles 88-79.

Binuhat papuntang dugout si Akhuetie, may 6:31 minuto pa sa third period, hawak nito ang kanyang kaliwang hita at halos mangiyak-ngiyak sa sakit.

Abante ang Ateneo 50-44 nang maganap ang insidente.

Nagsiklab sa galit ang nakalalamang na fans ng Fighting Maroons sa loob ng arena dahil walang tawag ang mga referee sa pagbagsak ni Akhuetie sa sahig.

Umabot sa 21,608 ang nanood sa banatan sa pagitan ng Ateneo at UP.

Makaraan ang ilang minuto, sumaya ang fans ng UP nang makitang bumalik sa bench si Akhuetie.

Nagtala ang MVP na si Akhuetie ng 10 points, limang rebounds at tatlong steals.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy