Una sa Balita

UNTV Cup Executive ­­Face Off bukas na – Razon

0 423

ITO na ang panahon para sa mga senior, kabilang na ang mga senador, justices at generals na magpakitang-gilas sa pagratsada ng UNTV Cup Executive Face Off bukas kung saan target ng Armed Forces of the Philippines na muling makaulit sa Pasig City Sports Center.

Ang AFP Cavaliers ang naging inaugural champions sa kaganapang inorganisa ng UNTV CEO at chairman Daniel Razon, matapos na gibain ang Philippine National Police Respondents, 75-71, sa overtime.

Ang iba pang mga participating team ay ang Department of Justice, GSIS, Judiciary, Malacañang-Philippine Sports Commission at Senate Sentinels.

Si Presidential Special Assistant Bong Go ang inaasahang kakayod sa Malacañang Kamao matapos pitasin ang runner-up finish sa regular tournament na napanalunan ng Senate Defenders.

Astig sa 3-point area, target ni Go na makipapagratratan ngayon.

Isang simpleng se­remonya ang nakatakda alas-tres ng hapon, hudyat ng opisyal na paglarga ng ikalawang edisyon sa event kasama si Wishcovery­ grand champion Princess Sevillena na maghahatag ng pampasiglang bilang bago ang drawing of lots para sa itinakdang dalawang laro.

Ang Executive Face Off, ayon kay Razon, ay nilikha para bigyan ang top executives sa iba’t ibang sangay ng gobyerno na makapag-relaks, camaraderie at maipamalas ang kanilang iba pang ­talento sa larangan.

Matapos magbida sa panalo ng Senate, pokus din sina Senators Joel Villanueva at Sonny Angara na makapostura sa torneo.

Babalandra din sa event sa Judiciary sa pamumuno nina Court Administrator Jose Midas Marquez at Associate Justices Normandie Pizarro, Ronaldo Martin, Oscar Herrera, at Edwin Sorongon.

Bilang regular na torneo, ang P1 million top prize ay mapupunta sa charity ng champion team. Ang charity sa runner-up ay magbubulsa ng P500,000, third P250,000 at P200,000 sa ikaapat na puwesto.