Una sa Balita

Unli term pampadulas ni Cayetano

0 297

KINONTRA ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang panukala ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na tanggalin ang term limit ng mga halal na opisyal.

Ayon kay Zarate, self-serving ang panukala ni Cayetano at pampadulas lamang sa itinutulak na charter change o Chacha.

“With due respect, yung mga ganyang proposal, sa tingin namin nakapa-self serving niyan. Dahil sa totoo naman, kung talagang efficient at magaling ang namamahala, national man o local, sabihin mo sampung taon, nakapaliit niyan,” diin ni Zarate sa interview ng DZBB.

“Pero kung ang namamahala ay isang inefficient at corrupt na opisyal, ang isang taon ay sobra-sobra pa yan, dapat nang palitan yan,” dagdag pa niya.

Sa ginawang pakikipagpulong ni Cayetano sa ilang kongresista noong Hulyo 10, inirekomenda nito na ga­wing apat na taon at walang term limit, o kaya’y limang taon na may three-term limit ang termino ng mga lokal na opisyal kabilang na ang mga mambabatas.

Binanggit ni Cayetano na hindi sapat ang tatlong taon para magampanan nila ang trabaho.

Nababahala naman si Zarate na hindi lang term limit ang gagalawin sa Chacha
“Ang gustong tanggalin ay yung mga protectionist provisions. Nandiyan din yung pagtanggal sa protectionist provisions halimbawa ng ating national patrimony, national sove­reignty, social justice, human rights,” diin ng kongresista.

Tiniyak pa ni Zarate na patuloy nilang babarahin ang Chacha tulad ng ginawang pagkontra nila dito sa mga nakalipas na Kongreso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy