Una sa Balita

Unli campaign puwede sa socmed — Comelec

By
0 106
 
 
WALANG balak ang Commission on Elections (Comelec) na i-regulate ang mga election campaign na gagawin sa pamamagitan ng social media.
 
Ayon kay Comelec spokesman James Jime­nez, hindi nila maa­aring isama o ibawas sa campaign ad limit ng mga kandidato ang mga post sa social media.
 
Sinabi ni Jimenez, ito ay sa ­dahilang ang social ­media ay itinuturing na ‘personal ­expression’ kaya’t protektado ito ng Konstitusyon.
 
“Hindi po kasama ang social media… Okay lang po iyon kasi nga ang social media talaga parang ano iyan eh, personal expression iyan eh. So protektado din po iyan [ng Constitution],” ayon kay Jimenez.
 
Sinabi pa ni Jimenez na mas maluwang ang tingin sa social media kaysa traditional media.
 
Ayon pa kay Jimenez, malaya rin ang mga netizen na ipa­ngampanya ang kanilang mga ‘manok’ o napipisil na kandidato sa kani-kanilang social media accounts.
 
“Simpleng distribution lang ng pangkaraniwang tao, kunwari may nakita akong [campaign] poster… na gustong-gusto kong ikalat. So pinost ko sa account ko tapos shinare ng mga kaibigan ko. Hindi problema iyon [ng kandidato], walang implikasyon iyon sa kanyang regulations laban sa kanya,” paliwanag pa ni Jimenez.
 
Sa kabila nito, mahigpit naman nilang mino-monitor ang mga tinatawag na ‘boosted’ o ‘paid posts’ dahil binabayaran ang mga ito.
 
“Pagdating sa social media, ang isang tini­tingnan ng Comelec, eh ‘yung mga boosted post na tinatawag – ‘yung mga nagbaba­yad ka ng mga P200 para dumami ang makakita ng mga post mo. ‘Yon ‘yung mga ganoong klaseng add ang binabantayan natin,” ayon pa sa opisyal.
 
Maaari nang mangam­panya ang mga kandidatong pinayagan ng Comelec na tumakbo simula sa Pebrero 12, 2019 hanggang Mayo 11, 2019 para sa mga tatakbo sa national posts, tulad ng sa pagka-senador at party-list groups, habang ang mga tatakbo naman sa local posts, tulad ng congressmen, at regional, provincial, city at municipal officials ay maaaring mangampanya mula Marso 30, 2019 hanggang Mayo 11, 2019.
 
Habang ang election period naman ay nakatakdang magsi­mula sa Enero 13, 2019 at magtatapos sa Hunyo 12, 2019. ­