Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Unity ride for Team Pamilyang Malabonian’ inilunsad

0 126

Upang ipakita ang kanilang suporta kay Malabon City Councilor Jose Lorenzo ‘Enzo’ Oreta na kandidato bilang alkalde ng lungsod sa Halalan 2022, nagsagawa ang higit 500 riders ng isang “Unity Ride for Team Pamilyang Malabonian (TPM)” kamakailan.

Kabilang sa mga nag-organisa sa isinagawang unity ride noong Nobyembre 30 ay ang mga rider groups na Kalye Sais Riders Club, Pwersa Riders Club, Dac Riders, 247 Riders ARPG, Lote Riders, Malabon 155 Club, ACP, Sr. Amigo Community Riders Group at EVO Riders Club Philippines.

“Kami ay nakikiisa para maipakita ang suporta namin kay Kaasenso Enzo Oreta, para sa kanyang pagtakbo bilang bagong mayor ng mga Malabonian,” saad ni Raymond Gabriel mula sa Kalye Sais Riders Club.

Ayon naman kay Beng Cea ng ACP, malaki ang kanilang pasasalamat sa TPM at buo rin ang kanilang suporta sa lahat ng kandidatong kasama ni Oreta sa Team Pamilyang Malabonian slate.

Ayon naman kay Konsehal Enzo Oreta, pinapahalagahan niya ang pagtitiwala ng mga rider groups sa kanya.

“Nakatataba po ng puso ang inyong suporta hindi lang sa akin, kundi sa buong TPM. Asahan po ninyo na kaisa niyo kami sa pagsusulong ng inyong layunin na ituloy ang pag-asenso ng bawat Pamilyang Malabonian!”

Bukod sa Unity Ride ng riders group, matatandaang nangako rin ng suporta ang iba’t-ibang sektor sa Malabon nang maghain ng certificate of candidacy (COC) si Oreta noong Oktubre.

Ang TPM ay binubuo nina Councilor Jose Lorenzo ‘Enzo’, Vice Mayor Ninong Dela Cruz, Malabon Representative Jaye Lacson-Noel at kasama din sina Gerry Bernardo, Jimmy Dumalaog, Jap Garcia, Nino Lacson-Noel, Pao Oreta at Joey Sabaricos na tatakbong Konsehal sa District 1, at Ambet Bautista, Dado Cunanan, Jasper Cruz, Balot Lim, Peng Mañalac, Len Yanga na tatakbo naman sa pagkakonsehal ng District 2.

Leave A Reply

Your email address will not be published.