Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Unit sa may mental health isyu binuksan

0 392

KASABAY ng pagdiriwang ng National Mental Health Week, binuksan sa publiko ng Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang isang unit para sa mga may problema sa pag-iisip, ang Acute Psychiatric Unit (APU) na matatagpuan sa Batangas Medical Center.

Ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo, layon ng nasabing unit na masuri ang mga may problema sa pag-iisip, ma-evaluate ang kanilang problema, magamot at makamit ang tamang pangangalaga at mga pangangailangan sa takdang araw.

“Most persons with mental disorders don’t seek medical help. Kaya napakaimportante na malaman ang mga palatandaan upang mabigyan agad sila ng pangunahing lunas,”paliwanang ni Janairo. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.