Una sa Balita

Union of Gamefowl Breeders suportado ang MCCI

0 277

NAG-ISYU ng resolusyon ang mga miyembro ng Union of Gamefowl Breeders na nagbibigay suporta sa Manila Cockers Club, Inc. (MCCI).

Ang grupo ay pinamumunuan nina former Congressman Amado Bagatsing bilang chairman at ni Jimmy Zapanta bilang vice chair, kasama ang mga Union officer na sina Chito Polintan, Tony Boy Espinosa, Professor Arturo De Castro, Pete Buendia at iba pa.

Nag-ooperate ang MCCI ng duly-licensed cockpit sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at ibino-broadcast ang mga cockfight sa Cignal TV.

Ang live broadcast ng mga MCCI cockfight ay tampok sa O5-Cockpit Betting Stations (OCBS) kung saan ang mga pusta ay maaaring gawin sa pamamagitan ng totalizator (tote) system.

Gamit ang teknolohiyang ito, ang pagtaya gamit ang OCBS ay maituturing na transacted, accepted at confirmed sa Carmona, Cavite kung saan ginagawa ang mga MCCI cockfight bilang pagtugon sa E-Commerce Act of 2000.

Kahalintulad ang prosesong ito sa popular na internet-based commerce store gaya ng Amazon at E-bay na halimbawa ng mga sistema sa ilalim ng E-Commerce Act.

Lisensiyado at regulated ng mga LGU ang MCCI operation sa ilalim ng Cockfighting Law of 1974, na in-amended sa Local Government Code of 1991.

“(The) operations of Manila Cockers Club, Inc. (MCCI) has been greatly beneficial to breeders like us, as it provides livelihood to both urban and rural communities nationwide. Since the company purchases from the breeders an average of 60 game fowls a day for 21 days in a month, or a total of 1,260 game fowls monthly, MCCI ope­rations has generated jobs for many Filipinos. It has become a consistent source of income for the thousands of breeders all over the country that supply gamecocks to MCCI,” ayon sa statement ng Union.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy