Una sa Balita

Unfair na ibintang sa pulis — PAO chief

By
PAO Chief Persida Acosta
0 4

Dinipensahan ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Percida Acosta ang Philippine National Police (PNP) sa mga batikos na sinasadyang patayin ang mga pinaghihinalaang mga drug pusher.

“‘Yung bilang ng sumuko as of yesterday, nasa 63,000. Tapos ang sinasabing napatay ay more than 100,” sabi ni Acosta sa panayam sa dzBB.

“Kung ikukumpara ang 100 sa 63,000 halos negligible ‘yan, point something lang,” dagdag pa nito.

Batay sa datos ng PNP, mahigit sa 135 mga drug suspect na ang napapatay sa police operations nitong nakalipas ng u­nang dalawang linggo ng Hul­yo.

Nauna nang sinabi ng PNP na napatay ang mga drug pusher matapos manlaban ang mga ito sa isinagawa nilang operasyon.

“Kung ibibintang per se sa kapulisan, ‘yan ay unfair dahil ‘yung mga sumuko ay hindi naman pinatay ng pulis. Buhay sila,” ani Acosta.

Hinikayat pa nito ang public na huwag i-discourage ang kapulisan sa paggampan ng kanilang tungkulin.