Una sa Balita

Underdog tag balewala kay Vargas

By
0 203

Balewala kay WBO welterweight champion Jessie Vargas (27-1) kahit underdog siya sa laban kay eight-division world champion Manny Pacquiao. Sanay na daw siyang maging underdog.

At ang pagiging underdog, ayon kay Vargas, ang gagamitin niyang motibasyon para silatin ang Pambansang Kamao sa kanilang November 5 fight sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas.

Being the underdog isn’t anything new for me,” wika ni Vargas.

“It is my first title defense in the welterweight division but this is just another fight for me. You have to understand that I have been doing this since I was 8 years old and since the amateurs people have been saying they would beat me and I had to prove them wrong and that is what I will conti­nue to do,” dagdag pa niya.

Dahil sa pagbitiw ng HBO, ang Top rank na ang magdi-distribute ng pay-per-view ng nasabing laban.

Ito ang magsisilbing comeback fight ni Pacquiao matapos ang apat na buwang pagreretiro, sapul nang huling lumaban at talunin si Tim Brad­ley noong Abril.

At base sa huling laban, naniniwala si Vargas na may ibubuga pa si Pacquiao, na kanyang pinaghahandaang mabuti upang maging exciting ang kanilang 12-round match.

“I thought out of the three fights with Bradley that was his best perfor­mance and I am sure many would agree. He showed that he still has a lot left in the tank and that will make it a great fight,” lahad ni Vargas sa BoxingScene.com.

Kung ‘di magbabago ang plano, lilipad pa-US si Pacquiao at ang coaching staff sa Oktubre 22.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More