Una sa Balita

UNCONSTITUTIONAL! — CARPIO

By ,
0 1

Hindi maaaring pumasok sa isang ‘joint development’ agreement ang gobyerno sa ibang nasyon sa lugar na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Ito ang sinabi kahapon ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio dahil ipinagbabawal diumano sa ilalim ng 1987 Constitution ang naturang kasunduan.

“You cannot enter into joint development within our EEZ. That’s prohibited by the Constitution,” pahayag ni Carpio sa panayam ng ANC.

Abante Hiring – IT dep

Nauna rito, sinabi ni Foreign Affair Sec. Perfecto Yasay na nakahanda ang Pilipinas na i-share ang natural resources sa China sa pinag-aagawang lugar sa South China Sea.

Subalit paglilinaw ni Carpio, “The ruling said there is no overlapping EEZ in China. The Constitution says the EEZ is part of the national territory of Philippines.”

Nakasaad aniya sa Konstitusyon na dapat protektahan ng bansa ang kanyang resources na sakop ng EEZ.

“So whether it is President Duterte, President Arroyo, or any other president, that cannot be compromised. You cannot enter into joint development within our EEZ. It is prohibited by the Constitution,” sabi ni Carpio.

Matatandaang sa ilalim ng gobyernong Arroyo unang kinunsidera ang pagpasok sa ‘joint exploration’ sa China at ngayon ay muling isinusulong ng kasalukuyang administrasyong Duterte.

Kahapon ay ibinunyag ni Budget Sec. Benjamin Diokno na nakahanda umano si Pangulong Duterte na umupo sa isang bilateral talks sa China matapos ang Permanent Court of Arbitration (PCA) ruling na pumapabor sa Pilipinas.

“Ang sabi niya (Duterte), we’ll start the bilateral talks and now we’re starting from a better position,” pahayag ni Budget secretary Benjamin Diokno sa ambush interview ng mga reporters kahapon.

Ayon kay Diokno, ginawa umano ni Duterte ang pahayag sa cabinet meeting noong Martes ng gabi matapos ang makasaysayang panalo ng bansa.

Nauna nang sinabi ni Duterte na nais niyang manatili ang ‘friendly relations’ ng Pilipinas sa China dahil hindi naman kaya ng bansa na makipagdigmaan dito.

Noong panahon ng kampanya, sinabi rin ni Duterte na bukas siya sa ‘joint exploration’ sa China sa pinag-aagawang teritoryo.

Sa isang kalatas kahapon, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na idadaan ng Pilipinas sa 11th Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit ang apela nito sa China na kilalanin, irespeto at sundin ang desisyon ng PCA.