Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Unang tigok sa UK COVID variant taga-Benguet

0 230

Naitala ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang nasawi sa UK COVID-19 variant sa La Trinidad, Benguet nitong Enero 24.

Ayon sa DOH ang pasyente ay isang 84-anyos na lalaki na walang travel history at wala rin contact sa taong infected ng UK COVID-19 variant.

Ang kaso ng matanda ay itinuring ng DOH na ibang cluster.

Kaugnay nito, sinabi ng DOH na may karagdagang 8 kaso ng UK COVID-19 variant dahilan para umakyat na sa 25 ang kaso ng B117 variant sa bansa.

Kabilang sa mga bagong kaso ay tatlo mula sa Bontoc, Mountain Province kung saan ang dalawa ay may edad 25 at 31, ang isa ay 54 anyos na naging close contact ng UK variant case na bahagi ng Bontoc cluster.

Habang dalawa naman ay mula sa La Trinidad, Benguet na ang isa ay 15-anyos na naka-isolation. Isa na taga-Cebu City at dalawang bumalik galing sa ibang bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.