Una sa Balita

Unang tagumpay susundan ng tropa ni Jarencio

By
0 498

Mga laro ngayon:­ (MOA Arena)
4:30 pm – Northport vs. Meralco
7 pm – SMB vs. Phoenix

NABUNUTAN ng tinik si coach Pido Jarencio nang sa pampitong subok ay nakuha rin ng kanyang NorthPort ang breakthrough win sa PBA Governors Cup noong Sabado sa Ynares Center sa Antipolo.

Babalik ng Mall of Asia Arena mamaya ang Batang Pier para subu­kang i-follow up ang 118-101 victory kontra Columbian Dyip.

Ang nangangaila­ngan din ng panalong Meralco ang makakatapat ng NorthPort sa first game, bago ang bakbakan ng 2-4 San Miguel Beer at 6-2 Phoenix.

Kalahating laro lang sa unahan ng Batang Pier ang Bolts sa 1-5, natikman ang panlimang sunod na talo noong Linggo 111-105 kontra Ginebra.

“Simply put, it’s a battle between two teams trying to stay alive in the playoff hunt, so it’s an important game,” suma ni Meralco coach Norman Black.

Top 8 lang ang aabante sa quarterfinals pagkatapos ng 11-game eliminations, twice-to-beat ang 1-4 laban sa 5-8. Nasa No. 8 sa kasalukuyan ang SMB, kasunod ang Meralco, NorthPort, Rain or Shine (0-4) at Columbian (0-8). 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy