Una sa Balita

Unang SEAG gold sinungkit ni Chicano

0 288

ABANTE MO

HIYAWAN ang mga Pinoy nang manguna si John ‘Rambo’ Chicano sa men’s triathlon at sungkitin ang unang ginto ng Pilipinas sa Southeast Asian (SEA) Games 2019.

Ang 28-anyos ang sumungkit ng unang medalya para sa Pilipinas nang matapos ang karera sa 1:53:26 mark kahapon, Disyembre 1, sa Subic Bay Boardwalk.
Nalampasan ng male triathlete ang kanyang silver award sa SEA Games noong 2017, matapos puma­ngalawa kay Nikko Huelgas.

Sinundan naman si Rambo ng isa ring Pinoy, si Kim Remolino.

Tapos ng 1:55:03, nasungkit ng 19-anyos ang silver sa parehong laro.

Nakamit naman ni Ahlul Firman Muhammad ng Indonesia ang bronze sa 1:57:10 mark. (Riley Cia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy