Una sa Balita

Unang SEA Games crown bibirahin ni Espejo, PH 6

0 355

Laro ngayon: (PhilSports Arena)
6:00pm – Philippines vs Indonesia (finals)

MATAPOS pabagsakin ang defending champions Thailand nitong Linggo, wala nang ibang nasa kukote sina Marck Espejo at buong men’s volleyball team kundi talunin ang Indonesia ngayong araw para masungkit na ang kauna-unahang SEA Games crown.

Huling nakatungtong sa final round ang men’s volleyball team ng Pilipinas 42 taon na ang nakalilipas sa 1977 Malaysia SEA Games kung saan nabigo sila sa eventual champs na Burma (Myanmar na ngayon).

“Walang imposible,” sabi ni Espejo matapos ang five-set win nila kontra powerhouse Thailand sa semifinals.

“Nung natapos ang fourth set nagti-thank you kami kay Lord. May breaks talaga siguro sa amin, pumanig ang breaks talaga. Wala talagang imposible kung gusto mo, lahat pwedeng mangyari,” saad pa ni Espejo na umiskor ng 20 points sa laban kontra four-time SEA Games gold medallist Thailand.

Ayon kay Espejo, malaking tulong ang suporta na ibinigay ng lampas 6,700 fans na nanood sa PhilSports Arena.

“Sobra grabe. Ako personally pagpasok ko pa lang sa arena, sa court, napa-wow ako sa crowd kasi sobrang dami. ‘Di namin ini-expect na ganoon karami ang manonood na susuporta,” aniya. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy