Una sa Balita

Unang same-sex marriage sa Taiwan pinagdiwang

0 362

MAITUTURING na makasaysa­yang tagpo ang sinagawang kauna-unahang same-sex marriage sa Taiwan na itinuring na malaking panalo para sa halos tatlong dekada ng pakikipaglaban para sa karapatan ng LGBT community sa Asya.

Sina Shane Lin at Marc Yuan, pawang nakasuot ng suit, ang unang couple na nagpatala ng kanilang pag-iisang dibdib sa government office sa Taipei, capi­tal ng nasabing bansa.

Nabatid na nagkilala at na­ging magkaibigan ang dalawa noong kolehiyo, hanggang humantong sa pagmamahalan at kasalan. Ipinakita pa ng dalawa ang kanilang matamis na halik sa harap ng media.

Bukod kina Lin at Yuan, pinir­mahan din nina LiYing Chien, isang playwright at girlfriend na cartoonist na may pen name na Cynical Chick ang kanilang marriage certificate.

Una nang lumikha ng kasaysayan ang Taiwan bilang unang bansa sa Asya na naging legal ang pagpapakasal ng dalawang magkaparehong kasarian.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy