Una sa Balita

Unang Pinoy mayor sa Inglatera nahalal

0 371

INILUKLOK bilang alkalde sa East Grinstead, England ang Pinoy na si Danny Favor sa nakalipas na local elections noong Mayo 2, 2019.

Si Favor ay unang naluklok bilang konsehal ng East Grinstead noong May 2011 at sa kanyang ikalawang termino naman ay na­ging deputy town mayor hanggang sa tuluyang ipasa sa kanya ang pagiging mayor sa konseho ng East Grinstead.

Si Favor na isa ring full time opthalmic clinical nurse specialist at ang kanyang asawa na si Maribel ay nagmula sa Pili, Camarines Sur.

Sila ay nagtungo at nakipagsapalaran sa United Kingdom noong 2000.
Pinalad na makapagtrabaho sa Victoria Hospital NHS Foundation Trust sa East Grinstead hanggang ngayon si Favor.

Sa passing of the chain of responsibility sa konseho, walang pagsidlan sa galak at tuwa ang mga Pilipino at British na sumaksi dito.

Kaugnay nito ay nagpalabas ng kalatas ang pamunuan ng Queen Victoria Hospital NHS Foundation Trust sa tagumpay ni Favor.

“We are really proud of Danny Favor who serves the community as Nurse in our corneo department and is now East Grinstead town Mayor,” ayon sa inilabas na statement ng ospital.

Bukod sa pagiging Mayor, si Favor ay ex-officio member sa lahat ng komite, subalit mas tinututukan nito ang mga komite na mas malapit sa kanyang puso na committee on planning, public services, amenities and tourism.

Siya din ang founder ng Filipino-British nur­ses extra of Grinstead.(Buddy Bernardino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy