Una sa Balita

Unang Pinay president ng US university, nagpasiklab sa mga estudyante

0 512

NAGPASIKLAB agad sa unang araw ng klase ang kauna-unahang Pinay na naging presi­dente ng Utah Valley University (UVU).

Ito’y makaraang gamitin ni Dr. Astrid Tuminez ang anim na lengguwahe at dialect sa pag-welcome ng mga estudyante ng pamantasan.

Sa Facebook page ng unibersidad, nagsa­lita ni Tuminez ng English, Spanish, Ilonggo, Tagalog, Russian at French.

Si Tuminez ay ipinanganak sa Iloilo at nanirahan sa squatter area at nag-aral sa eskuwelahang pinapatakbo ng mga madre.

Kuwento pa niya, tuwing recess ay wala siyang pambili ng pagkain kaya’t sa library na lamang siya tuma­tambay upang magbasa ng maraming libro kaya’t marami siyang natutunan.

“What I want to say to all the students is work hard, study hard, and read a lot of books so you can finish what you set out to do at UVU,” pangaral ng Pinay sa mga estudyante.

Nagsalita rin ito ng wikang Ruso at ikinuwento na nag-aral siya ng Russian literature and language sa Brigham Young University, bago tumungo ng Harvard University upang mag-aral ng Sovietology at nagtapos ng doctoral degree sa Massachusetts Institute of Technology.

Nagpasiklab din ito sa wikang Pranses at ikinuwento na nagugustuhan niya ang French cuisine at poe­try.

“I love French poe­try, and I would like to say to you, welcome to Utah Valley University,” wika ni Tuminez.

Huling nagtrabaho sa isang kompanya sa Singapore si Tuminez bago ito nahirang na maging presidente ng UVU.