Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Unang Pinay mayor sa England pumanaw

0 143

Bumaha ng tribute online para sa kauna-unahang Pilipina na naluklok na alkalde sa England matapos siyang yumao sa edad na 58.

Nitong Hunyo 2020 naging mayor ng Hertsmere, Hertfordshire si Cynthia Barker.

Sa Facebook post ng kapatid niyang si Gene Alcantara, pumanaw si Barker matapos ang pakikipaglaban sa ‘serious illness’.

“We are deeply saddened by the news that our Mayor, Cllr Cynthia Barker, has died following a period of illness,” sabi naman sa FB post ng Hertsmere.

Batay sa website ng Hertsmere, bago naging mayor si Barker ay nagsilbi muna siyang borough councilor ng Kenilworth ward sa Borehamwood town noong 2015. Taong 2019 ay naupo rin siya bilang deputy mayor.

Napasama si Barker sa ‘100 most influential Filipinas’ ng Filipina Women’s Network. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.