Una sa Balita

Unang panalo ikakarga ni Pido sa Batang Pier

By
0 1,648

STANDINGS

TEAMS W L
Ginebra 2 0
San Miguel 2 0
Magnolia 2 1
Phoenix 2 1
NLEX 2 1
TNT 1 1
Blackwater 1 1
Rain or Shine 1 1
Meralco 1 2
Alaska 1 2
GlobalPort 0 2
Kia 0 3

Mga laro ngayon: (MOA Arena-Pasay City)

4:30 p.m. — Rain or Shine vs GlobalPort
7:00 p.m. — Ginebra vs Blackwater

Bigong makakuha ng panalo ang GlobalPort sa kanilang unang dalawang laro kontra NLEX noong Disyembre 25 at Ginebra sa nakaraang Linggo, kaya nga­yong hapon susubukan ang kanilang suwerte sa Rain or Shine sa unang laro sa Mall of Asia Arena sa patuloy ng 43rd PBA Season Philippine Cup.

Pero para kay Batang Pier coach Pido Jarencio, “Mahaba pa ‘yan, marami pang laro.”

“We just played two playoff teams in NLEX and Ginebra,” kalmadong hirit ni Jarencio pagkatapos ng laban sa Gin Kings (97-104) kasunod nang unang kabiguan sa Road Warriors (104-115).

“For sure, basta ma­ging consistent lang kami. We have to play consistent basketball not just for 45 minutes, but 48 minutes,” panapos niya 

Ang Rain or Shine naman matapos talunin ang Talk ‘N Text 82-79 sa noong Dis. 22, nasilat naman ng Blackwater (87-92).

“We need to step up our game. We haven’t been playing in the le­vel that we want to,” saad ni Elasto Painters coach Caloy Garcia.

“Hopefully we can bring more energy in the game. Our practices have been good and we hope we can bring it in the game hopefully­ get us a win,” panapos niya.