Una sa Balita

Unang namatay sa vape naitala na

0 348

Simula nang talakayin natin kamakailan kung gaano kadelikado ang pagkagumon ng kabataan sa vape o e-cigarette ay dumami na ang nagbibigay ng komento hinggil dito.

Tulad ng dapat asahan ay hati ang opinyon sa usaping ito dahil pilit na ipinagmamatigasan ng mga gumon sa paggamit nito ang buting dulot umano ng vape o e-cigarette at bilang bahagi ng marketing stra­tegy ay sinasabi ng mga nagbebenta nito na, ito ang ligtas na paraan para matigil sa paninigarilyo.

Sinasamantala naman ito ng mga nasa vape industry dahil pinangangatawanan nila itong mabuti na kumpara sa normal na sigarilyo ay mabilis na paraan umano ito para tuluyan nang matigil sa paninigarilyo ang isang gumon dito.

Pero alam n’yo ba na naitala na sa kauna-unahang pagkakataon ang unang taong namatay sa Illinois, USA dahil sa paggamit ng vape o e-cigarette at ito ay kumpirmado at sadyang hindi pa inilalathala ang pangalan.

Ayon sa Illinois Department of Public Health nasobrahan sa usok ang naturang biktima bago ito isinugod sa ospital at noong nakaraang Huwebes ay inanunsiyo ni Dr. Jennifer Layden, Illinois agency’s chief medical officer na binawian na ito ng buhay.

Ngayon ay unti-unti nang napupukaw ang ilang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa tila kabuteng nagsulputang mga vape shop sa iba’t ibang bahagi ng bansa at karaniwang parokyano nito ay mga young professional at mga estudyante.

Kailan pa ba tayo magpapayong, kung basa na ang buo nating katawan?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy