Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Unang Mayora ng Camanava sumabak na sa trabaho

0 98

Sumabak na kahapon sa unang araw ng kanyang trabaho si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval na kauna-unahang babaeng nagwagi at uupong alkalde sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area.

Pinulong muna ni Sandoval ang mga department head bago hinarap ang mga lalagdaan niyang dokumento.

Pormal na nanumpa si Sandoval kay Senator Cynthia Villars sa San Bartolome Parish Church ng lungsod nitong Huwebes.

Sa kanyang talumpati, hiniling niya na isantabi ang politika at magtulungan para sa kapakanan ng lungsod at mga residente. Nagbabala rin si Sandoval na hindi siya mangingiming alisin sa puwesto ang sinuman na masasangkot sa korapsiyon. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.