Una sa Balita

Unang lotto bilyonaryo namumuro

By
0 637

Ipinahayag ng Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na aabot sa all-time high na isang bilyong piso ang magiging premyo ng Ultra Lotto 6/58 draw nga­yong Martes nang gabi.

Umabot sa P954 mil­yon ang jackpot prize sa bola noong Linggo nang gabi pero walang nakakuha sa winning combination na 45-21-02-30-07-10.

Mayroon namang 273 mananaya ang muntik nang makuha ang jackpot prize dahil sa nakuhang lima mula sa anim na winning combination, kaya’t kukubra na lang sila ng tig-P46,890.

“Itong one billion peso jackpot prize ay nakapa-historic sa PCSO, lahat, lalo na ‘yung mga tumataya eh excited, ‘di na mapakali, at gustong-gusto na talagang manalo. Whoever wins this prize will be the first-e­ver PCSO billionaire,” paha­yag ni general mana­ger Alexander Balutan.

Nagbigay pa ng payo si Balutan sa kung sino man ang mananalo sa pinamalaking jackpot sa kasaysayan ng lotto sa bansa, na ingatan ang kanilang tiket.

“Whoever holds the winning ticket is the winner. So sign your winning lottery ticket immediately and take extra precautions. If you can take a photo and video of yourself with the winning ticket, do it. But don’t post it publicly for security reasons. Isipin mo ang iyong seguridad at ng iyong pamilya,” dagdag ni Balutan.

Ang dating pinakama­laking premyo sa lotto ay ang P741 milyong Grand Lotto 6/55 na tinamaan ng isang balikbayan mula sa Amerika at tumaya sa lotto outlet habang nagbabakasyon sa Subic Bay Freeport.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy