Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Unang lady chief of police sa tinalaga ng NCRPO

0 212

Itinalaga ng National Capital Region Police Offcie (NCRPO) si Police Col. Angela Rejano bilang bagong hepe ng Malabon City police, kauna-unahang babaeng chief of police (COP) sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas na ang karanasan at katangian ng isang kwalipikadong hepe ang nagluklok kay Rejano na itutuloy ang magandang pagbabago sa kapulisan ng Malabon City kung saan pinalitan nito si Police Col. Jessie Tamayao.

Pangungunahan ni Rejano ang 500 pulis ng lungsod upang mapanatili ang kaayusan sa 21 barangay na may mahigit 380,000 residente.

Si Rejano ang dating hepe ng NCRO Regional Plans and Strategy Management Division.

Siya rin ang kauna-unahang babaeng hepe sa Sorsogon City, pinakaunang babaeng Provincial Director ng probinsya ng Siguijor, at unang babaeng Training Director ng Regional Training Center (RTC) 5, PNP Training Institute, Philippine Public Safety College. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.