Una sa Balita

‘Unang Hirit’ host Eagle Riggs nabundol sa Palawan

0 435

Nakaratay sa pagamutan ang comedy actor at isa sa mainstay ng morning show na ‘Unang Hirit’ ng GMA 7 matapos itong mabundol ng rumaragasang motorsiklo habang papatawid ito ng kalsada sa Puerto princesa City, Palawan linggo nang umaga.

Nagpapagaling sa ngayon dahil sa tinamong pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Michael Pangilinan o mas kilala sa screen name na Eagle Riggs, 52, binata, residente ng Las Piñas City.

Samantala, nakakulong na ang suspek at sasampahan ng kaukulang kaso ng pulisya ang suspek na nakilalang si Rey Vincent Pacaldo, 30, construction worker at residente ng Brgy. Bagong Silang Puerto Princesa City ng nasabing lalawigan.

Sa ulat ng Palawan City Police, naganap ang insidente dakong alas-sais nang umaga sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension partikular sa taoat ng Ka Inato restaurant sa Brgy. Boncao-Boncao nang nasabing lungsod.
Nabatid na patawid ang aktor sa kalsada subalit habang nasa kalagitnaan na ito ay biglang nahagip ng humahagibis na motorsiklo na minamaneho ng suspek.

Sa lakas ng pagkasalpok ay tumila­pon ng bahagya ang biktima na agad namang naisugod sa Ospital ng Palawan kung saan siya naka-confine ngayon.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang imbes­tigasyon ng pulisya hinggil sa nasabing insidente. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy