Una sa Balita

Unang game-winner ibinaon ni Rondo vs Celtics

By
0 383

SA unang pagkakataon sa kanyang 13-year career, nagbaon si Rajon Rondo ng game-winning buzzer-beater para itakas ang Los Angeles Lakers laban sa kanyang dating team na Boston Celtics 129-128 Huwebes ng gabi.

Pinakawalan ni Rondo ang 20-foot-jumper sabay sa pagkaubos ng oras. Right place, right time siya nang sambutin ang bola at ipukol ang kanyang final shot laban sa team na tinulungan niya sa kampeonato noong 2008.

“I practice those shots all the time,” ani Rondo, ibinaon ang una niyang career go-ahead field goal sa final 10 seconds ng fourth quarter o overtime. “Couldn’t imagine it being in the Garden though.… this is one I’ll be playing for the rest of my life.”

Nagsumite si LeBron James ng 28 points, 12 rebounds at 12 assists, may 25 points si Kyle Kuzma at tumapos si Rondo ng 17 points, 10 assists para buhatin ang Lakers sa bounce-back win matapos matambakan ng 42 sa Indiana noong Martes.

Umatake sa baseline si Brandon Ingram at umangat pero binutata ni Al Horford ang kanyang layup. Natapik ni Horford ang rebound, tumalbog ang bola kay Rondo na nasa tabi ng free throw line.

Kumana ng 24 points at 8 assists si Kyrie Irving sa Boston, nagdag­dag ng 22 points at 10 rebounds si Jayson Tatum. Umayuda ng 20 points off the bench si Daniel Theis.