Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Unang COVID case sa Tonga naitala

0 255

Nakarating na sa island nation ng Tonga ang coronavirus disease, halos magdadalawang taon buhat nang magsimula ang pandemya.

Ayon sa Al Jazeera report, isang pasahero mula sa New Zealand ang nagpositibo sa virus.

Kinumpirma ni Tonga Prime Minister Pohiva Tu’i’onetoa na may isang kaso ng COVID sa 215 pasahero na dumating mula sa siyudad ng Christchurch noong Miyerkoles. Naka-quarantine na aniya ito.

Pinaplano na ng prime minister ang pagla-lockdown, ayon sa news website na Matangi Tonga.

Mayroong humigit-kumulang 106,000 populasyon ang Tonga, na matatagpuan sa South Pacific Ocean, sa hilagang-silangan ng New Zealand.

Kabilang ang isla sa ilang bansa sa mundo na nakaiwas sa pagkalat ng COVID-19. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.