Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Unang COVID-19 oral treatment binili ng Manila LGU

0 42

ITINURN-OVER ng Faberco Life Sciences, Inc. ang unang batch ng Molnupiravir (Molnarz™), unang coronavirus disease (Covid-19) oral treatment na ginanap sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta.

Tinanggap nina Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna, at Doc Willie Ong, na kung saan ang City of Manila ang unang Local Government Unit (LGU) na bumili ng MOLNUPIRAVIR (Molnarz™) sa pamamagitan ng Faberco Life Sciences, Inc.

Ang Santa Ana Hospital, sa pamamagitan ng Compassionate Special Permit (CSP) na inisyu ng Philippine Food and Drug Administration, ang recipient/receiving hospital para sa nasabing ‘batch of allotment’ ng Manila LGU.

Ang Molnupiravir ang unang oral antiviral drug na maaaring makapigil sa mild to moderate cases ng COVID-19 bago pa humantong sa pagiging severe disease na kailangan nang ma-ospital. Ito ay pill na iinumin imbes na ituturok.

Bagama’t hindi pa ‘available commercially’, ang Faberco Life Sciences, Inc. kasama ng RiteMED, ay ipinamamahagi ng MOLNUPIRAVIR (Molnarz™) sa hospitals, medical institutions, at treatment sites.

Ang Faberco Life Sciences Inc. (FLS), ay kasapi ng Philippine biopharmaceutical organization, na nakatuon sa paglalaan ng “innovative, highly niche pharmaceutical products” sa publiko at private health sectors. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.