Una sa Balita

Unang babaeng president nahalal sa Greece

0 254

May bago nang presidente ang Greece.

Nahalal bilang kauna-unahang babaeng­ pangulo ng nasabing bansa si high court judge at human rights advocate Kate­rina Sakellaropoulou, ayon sa Fox News.

Una siyang ninomina ni Prime Minister Kyriakos Mitsotakis bilang non-partisan candidate

Nakakuha siya ng 261-33 vote, mas mataas sa required na 200 votes.

Sinuportahan din siya ng main opposition party na Syriza.

Pinuri ni Mitsotakis ang 63-anyos na bagong pangulo bilang magaling­ na hurado na may kakayanan na mapagkaisa ang Greece. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More