Una sa Balita

Unang araw ng TI8, puno agad ng aksiyon

0 88

Paniguradong maraming Pinoy ang napuyat sa kanilang panonood at pagsuporta sa bawat kani-kanilang koponan sa umarangkadang ‘The International 8’ (TI8) sa Roger’s Arena, Vancouver, Canada Huwebes ng madaling-araw sa Pilipinas.

Heto ang ilan sa mahahalagang kaganapan sa opening day ng group phase ng nasabing torneo.

Defending champs Team Liquid, hiniya ng Fnatic

Abante Hiring – IT dep

Muling nagpamalas ng kakaibang tikas ang SEA qualifying team na Fnatic pagkatapos pabagsakin ang kampeon sa TI7 na Team Liquid.

Normal na sa kahit kaninong koponan ang matalo, ngunit sobrang kasadlakan ang nangyari sa Team Liquid.

Pagkatapos nang kapana-panabik na Game 1 kung saan naitakas ng Team Liquid ang panalo kahit pa lamang sa halos kabuuan ng laro ang Fnatic. Naging marahas ang higanti ng Fnatic nang limitahan ang TL sa isang 1 kill sa buong laro sa Game 2, habang 39 kills naman ang naibulsa ng Fnatic.

***

Wraith King, sorpresang bunot

Hindi nagamit noong nakaraang TI7, pinatunayan ng DOTA2 ang hindi mahulaang meta nang maging pinagamit na hero si Wraith King. Pitong beses itong nagamit at na-ban ng isang beses sa unang araw pa lang ng 10-day group phanse ng torneo. Akmang-akma raw kasi ito sa kasalukuyang meta dahil maaari itong maging support o maging carry depende sa sitwasyon.

***

VGJ. Storm, nanatiling perpekto

Ang North America Qualifier VGJ.Storm ang nag-iisang koponan na walang bahid ng pagkatalo sa parehong grupo. Kasama sa Group B ang squad na pinapangunahan ni Roman ‘Resolut1on’ Fominok, dinomina ng VGJ.Storm ang direct invitees na Vici Gaming at Team Secret upang tumungtong sa itaas ng standings.

***

TNC Predator, sala sa init, sala sa lamig

Pagkatapos matalo ng dalawang sunod sa TI4 champs Newbee, bumawi ang all-Pinoy squad na TNC Predator upang patunayan na isa sila sa dapat abangan sa kompetisyon nang pabagsakin ang Chinese team na Vici Gaming, 0-2. Haharapin ng TNC sa Day 2 ang paiN Gaming, Virtus.pro at Optic Gaming. (Mark Patriarca)