Una sa Balita

Unahin problema ng mga magsasaka

0 1,756

Dear Abante:
Nakakairita lang ang mga balitang hindi naman dapat pinoproblema pa ng gobyerno tulad ng panukalang batas na ‘no assignments’ para sa mag-aaral at ang isyung CR ng transgender na nagreklamo sa isang janitress sa isang mall.

Maraming problema ang bansa natin na hindi kayang basta sulusyunan ng gobyerno tulad ng kahirapan, kakulangan ng trabaho, ang unti-unting pananakop ng China, pagtaas ng bilihin at ultimo nga ang dengue outbreak sa ating bansa. Masakit lang sa aming bahagi bilang mga anak ng magsasaka na tila ‘di na nabibigyan ng pansin ang problema sa sektor ng agrikultura dahil pati ang mga walang kuwentang isyu ay pinagpipiyestahan sa Senado.

Sana man lang unahin po ninyo ang problema sa hanay ng magsasaka kung ayaw ninyong dumating sa punto na tuluyang lumubog sa gutom ang Pilipinas dahil wala nang magsasaka ang nais magtanim dahil sa hindi patas na pagtingin at pagbibigay sa solusyon sa problemang agraryo.

Unahin ang pangunahing pagkain ng Pilipino kesa maghain ng mga panukalang wala naman maitutulong sa bansa. Alalahanin sana natin na kung panukalang batas lang rin ang usapan, maraming batas pa ang na­kabinbin, ‘wag nang dagdagan ng walang kwentang usapin para umusad naman tayo.

Jersan Arguilles

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy