Una sa Balita

Unahan sa Maiden race

0 239

MAGPAPALIGASAHAN ng bilis ang walong bagitong kabayo sa magaganap na Three-Yearl-Old & Above Maiden Race na pasisibatin sa Metro Turf sa Malvar-Batangas City, Batangas.

Inaasahang bakbakang umaatikabo ang masisilayan ng mga karerista dahil may nakalaan na karagdagang premyo na P10,000 para sa mananalong kabayo, inis­ponsoran ito ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Ang mga kalahok sa 1,200-meter race ay sina Jockey Choice, Crowned Prince, Security Pass, Wholetthedogsout, Sharp Mover, Airstar at magkakamping Condessa at Kusing.

Hindi pa nakakatikim ng panalo ang mga tatakbo kaya paniguradong lahat gagawin upang maka-gradweyt sa Maiden.

“Magandang laban ‘yan kasi wala pa silang panalo kaya lahat ‘yan sisikaping manalo nga­yon,” saad ni Cezar Dollantes, mananaya sa Off Track Betting station sa Maynila.

May walong karera ang ilalarga ngayong araw at sa race 5 pakakawalan ang nasabing Maiden race. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy