Una sa Balita

UN naalarma sa missile tests ng NoKor 

By
0 213

Nagpahayag na ng pagkabahala ang Uni­ted Nations (UN) kaugnay sa serye ng missile tests na isinasagawa ng North Korea (NoKor).

Ginawa ni UN Secretary General Ban Ki-moon ang pahayag kasunod ng ginawang pag­lulunsad kamakalawa ng Pyongyang ng tatlong ballistic missiles.

Sinabi ni Farhan Haq, spokesman ni Ban na ang mga ginagawa ng NoKor ay hindi nakaka­tulong para mabawasan ang tensyon sa Korean peninsula.

Sa ngayon pinag-aaralan ng UN Security Council ang magi­ging tugon sa panibagong probokasyon ng NoKor.

Sinabi ng UN na ang paglulunsad ng ballistic missile ng Pyongyang ay paglabag sa resolusyon ng United Nations laban sa North Korea.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More