Una sa Balita

Umuugong na kudeta, tsismis lang! — Lorenzana

By
0 2

Walang natutunugan o naririnig ang Department of National Defense (DND) na namumuong kudeta sa hanay ng Armed Forces of the Philippines para patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Mindanao Hour sa Malacanang sa harap na rin ng umiikot sa social media na post ng isang retired Gen. Joey Kakilala na umano’y may nagaganap na recruitment ng isang popular na pulitiko sa PMA class 2006 para maglunsdad ng kudeta.

Ayon kay Lorenzana, wala silang natatanggap na impormasyon na ganitong plano at hindi niya alam kung saan nakuha ng dating heneral ang kanyang impormasyon na may nilulutong pag-aaklas.

Wala naman aniyang indikasyong may hinanakit o reklamo ang mga sundalo laban sa Duterte administration kaya walang dahilan para magplano ng kudeta.

Sinabi ng kalihim na may kakilala siyang Gen. kakilala kayat aalamin niya kung saan niya nakuha ang impormasyon.

” I dont know where he based yung report niya na yon. We are checking that with him kung saan niya nasagap yon. On the whole wala naman kaming nakikita na grouping ng mga disgruntled officers, kasi before you can do that there must be some grievances eh, kailangan mayroon kang gripes na hindi matugunan and we do not see any of those indications now”, ang sabi pa ng kalihim.

Hindi naman nagpakita ng interes si Lorenzana na alamin kung sino ang sinasabing popular na pulitiko na nasa likod umano ng nilulutong kudeta laban kay Pangulong Duterte.