Una sa Balita

Umiwas makasagi, rider tepok sa mahogany

0 449

KAMATAYAN ang kinasapitan ng isang 21-an­yos na motorcycle ri­der makaraang sumalpok sa puno ng mahogany nitong Martes, unang araw ng 2019, sa Calaocan-Tulat Road sakop ng Brgy. Calaocan, San Jose City, Nueva Ecija.

Sa ulat ni P/Supt. Marco Dadez nakilala ang nasawi na si Zaca­rias Domingo Balagot, residente ng Brgy. Wigan, Cordon, Isabela.

Nabatid na alas-sais nang gabi, nagmamaneho si Balagot ng motorsiklo patungong sila­ngan, angkas sina Jona­than Gragasin Benidicto, 32, residente ng Brgy. Sta. Maria, Echague, Isabela, at Billy Bates Duque de Guzman, 28, residente ng Brgy. San Andres 1, Quezon, Nueva Ecija nang mangyari ang aksidente.

Nasagi umano ng motorsiklo ang nagla­lakad na si Yolanda Trini­dad Noble, 44, residente ng Zone 5, Brgy. Tulat, at nawalan ng kontrol sa manibela si Balagot hanggang bumangga ito sa puno.

Sa pagsemplang pawang nasugatan ang mga biktima na nadala sa San Jose City Ge­neral Hospital at doon binawian ng buhay. (Jojo De Guzman)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy