Una sa Balita

Uminom ng alak, natulog pero hindi nagising

By
0 530

ISA nang malamig na bangkay nang madiskubre ng kanyang kasamahan sa trabaho ang isang 18-anyos na lalaki na uminom ng alak saka natulog sa Valenzuela City, kamakalawa nang gabi.

Sa ulat ni SP02 Felix Viernes ng Station Investigation Unit (SIU), kinilala ang biktima na si Martin Salazar, na­ngungupahan sa No. 43 Jasmine St., Happy Site, Brgy. Marulas ng lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Laude Pillejera, bandang alas-11:00 nang umaga nang madiskubre ni Dominic Juanes, kasamahan sa trabaho ng biktima, ang labi ng kaibigan sa kuwarto nito.

Abante Hiring – IT dep

“Ginising ko po kasi tanghali na, nagulat na lang ako kasi hindi na humi­hinga,” sabi ni Juanes.

Kaagad na ipinagbigay-alam nito sa kanilang employer na si Romeo Gravoso ang pangyayari.

Magkasama sina Salazar at Juanez sa apartment na inuupahan ng kanilang amo.

Napag-alaman na bago binawian ng buhay si Salazar nag-inuman pa sila noong gabi at sabay na natulog.

“Bangungot siguro ang ikinamatay ni Salazar,” sabi pa ni Juanes.

Sa pagsusuri ni NPD-SOCO SP01 Rommel Rojas, walang foul play na nangyari sa pagkamatay ng biktima.