Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Umiiyak habang nasa shower

0 176

Sa aking panaginip, naliligo daw ako sa shower at todo kuskos ng katawan tapos paghawak ko sa mukha ko e may tumutulo sa mata ko na parang luha. Kapagkapatay ko ng shower doon ko na-confim na luha nga talaga. So tanong ko lang ano bang kahulugan ng panaginip na umiiyak habang nagsha-shower? Salamat.

– Agatha

Sa mood ng iyong panaginip, aakalain nating malungkot lang ang pahiwatig nito pero mayroon pang gustong sabihin ang panaginip mo na may kaugnayan hindi lang sa mga pangyayari sa iyong buhay sa pang-araw-araw, ngunit maging sa ispiritwal.

Ang buhay ng tao ay natural na dumadaan sa kagipitan na nagdadala sa atin ng pagkalito sa kung ano ang tamang desisyon na dapat gawin. Sinasabi ng panaginip mo na paliligo sa shower, na mayroon pang pag-asa dahil kung ano man ang gumugulo sa iyo ngayon ay posibleng mabura sa mga susunod na araw.

Kung feel mo ang lamig ng tubig habang naliligo ka sa panaginip, indikasyon ito na kailangan mong gamitin ang wisdom na pinagkaloob sa iyo, ibig sabihin kasi clear ang pag-iisip mo para magbigay ng payo o obserbahan ang mga nangyayari sa kapaligiran.

Related Posts

Kapag mainit naman ang tubig, konektado ito sa relasyon mo sa ibang tao. Maaaring maramdaman mo pa ang mainit na pagtanggap sa iyo ng ibang tao—lalo na ng mga taong malapit sa iyo.

Sa panaginip mo, hindi nabanggit kung malinaw o malinis ang tubig na lumalabas sa shower pero kung madumi ito o hindi clear ang tubig, ibig nitong ibabala na may posibleng paghihirap ang dadapo sa iyo.

Pero ‘wag mag-alala dahil maliliit lang itong problema at kinakailangan upang magkaroon ng balanse sa iyong buhay.

Ang suot mong damit habang naliligo ay nangangahulugan naman ng tunay mong pagkatao. Anuman ang mangyari sa iyong katawan o personalidad, mananatili pa rin kung sino ka.

Ang pag-iyak naman sa panaginip ay may iba’t iba ring kahulugan. Kung nakita mo ang sarili na umiiyak, sinasabi nito na nari-realize mo na ang tunay na kahalagahan ng buhay. Posible rin na nagkaroon ka ng wisdom dahil sa pinag-daanan mo na nagpalakas pa sa iyo.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.