Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Umihi sa garahe

0 83

May gusto rin kaya ipahiwatig itong panaginip ko? Napanaginipan ko kasi na umiihi raw ako sa garahe ng bahay namin. Hindi lang isang beses kasi inulit ko pa raw. Pagkatapos nun ang naalala ko naman ay nagpunta kami ng boss ko at katrabaho sa airport pero nung nasa sasakyan na kami para sumikay mismo sa plane may humarang daw sa amin na sasakyan tapos naiwanan kami ng flight. Ano kayang ibig sabihin nito?

  • Ally

Dalawa ang maaaring kahulugan ng pag-ihi sa panaginip, una kailangan mong mag-let go sa iyong mga emosyon at pangalawa, sinasabi nito na posibleng nawalan ka ng kontrol sa isang bagay na mahalaga sa iyo.

Sa kabilang banda, sinasabi ng ilan na isa itong positive dream dahil maaaring maging simbolo ng financial wealth ang pag-ihi. Para naman sa ibang eksperto, maaaring sa tunay na buhay, puno ang bladder ng isang indibidwal na nakapanaginip nito kaya niya ito nakita at naramdaman sa kanyang pagtulogn.

Bukod dito, mayroon ding banta na baka ipinapaalala na sa iyo ng panaginip mo na hindi ka na nakikinig sa sinasabi ng ibang tao. Kahit pa para naman talaga sa iyo ang ipinapayo nila.

Ipinapakita rin nito ang mensahe na sa buong buhay mo ay mga naiisip at obserbasyon mo ay nahubog na pero may kailangan ka pa ring alisin sa iyong sistema o i-release ang natatago mong mga emosyon.

Ang panaginip naman na tungkol sa naiwanan ng flight ay indikasyon na nalampasan mo ang isang opurtunidad sa waking life, o kaya naman ay natatakot ka na posiblen mawalan ka na ng chance isang bagay na pinakagusto mo, pero hindi ka agad tumugon.

Maaaring masabayan ito ng pakiramdam ng pagkainis o kaya naman ay labis na pag-aalala para sa future mo. Ang stress na ito ay maaaring may maidulot sa iyo na kabutihan o kaya naman ay lalo ka pang mapahanamak.

Makabubuti na huwag kang magmadali lalo na pagdating sa career ang usapan.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.