Una sa Balita

Umepal sa away tinarakan sa puso

By
0 741

Sugatan ang isang 27-anyos na lalaki matapos saksakin sa dibdib nang makialam sa away ng isang magka-live-in, kamakalawa ng gabi sa Permanent Housing, Tondo, Maynila.

Nakaratay sa Tondo Medical Center dahil sa saksak sa dibdib ang biktimang si Kenneth Salongo, merchandiser at taga-No. 309 Building 3, ng naturang lungsod.

Arestado naman ang tibong suspek na si Maris Christine Camua-ty, 29, customer service rep, at taga-No. 156 Libis Espina, Caloocan City.

Sa salaysay ng biktima kay PO2 Ronald Allan Martin ng Manila Police District-Police Station 1 (MPD-PS1), naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng gabi sa Unit 222, Bldg. 6, Permanent Housing, Tondo, Maynila.

Nakikipagkuwentuhan umano ang biktima sa kaniyang mga kaibigan nang duma­ting si Cindy Tosino, at isinumbong na binubugbog umano ng suspek ang kanilang kaibigang si Leah Columna, na ka-live-in ng suspek at nagkaroon ng komprontahan na nauwi sa pananaksak ng suspek.